-- Advertisements --

MANILA – Pumalo na sa 471,526 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa ikatlong sunod na araw, nag-ulat ang ahensya ng mababa sa 1,000 bagong kaso ng coronavirus. Ngayong Martes, nag-report ang DOH ng 886 new cases.

“9 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 28, 2020.”

Una nang sinabi ng ahensya na may nakikita silang decreasing trend sa COVID-19 cases hanggang sa unang linggo ng Enero dahil nabawasan ang bilang ng mga taong nagpapa-test.

“We are still continuing to see a decrease in cases over the holiday season (December 24 to January 4). This is due to the decreased number of patients being tested as many people want to celebrate the holidays at home,” ayon sa DOH nitong Lunes.

Ilang laboratoryo rin daw ang pansamantalang nagtigil ng operasyon noong Christmas weekend.

Ang Davao City ang nangunguna sa mga lugar na may pinakamataas na numero ng mga bagong kaso na nasa 61, sumunod ang Pampanga (58), Bulacan at Quezon City na parehong may 45 new cases, at Cavite na may 37.

Nasa 23,348 pa ang mga active cases o nagpapagaling.

Umaabot na sa 439,016 naman na ang gumaling matapos madagdagan ng 253 new recoveries ngayong araw. Samantala, ang talaan ng mga namatay nadagdagan din ng 38, kaya ang total deaths ay 9,162 na.

“10 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 9 recovered cases have been removed.”

“Moreover, 8 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”