-- Advertisements --

Naniniwala si Senador Alan Peter Cayetano na maituturing nang patay ang usapin ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang naging paglalarawan ng senador sa naging naging botohan ng mga senador kagabi .

Sa nasabing deliberasyon ay napagkasujuan ng mayoray na i-archive ang articles of impeachment laban sa bise.

Kaugnay nito ay muli namang nilinaw ni Cayetano na maaari namang buhaying muli ang impeachment sa sandaling baliktarin ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon na ideklarang unconstitutional ang impeachment dahil nilabag nito ang one year bar rule.

Samantala , ipinaliwanag naman nito ang pagkakaiba ng naunang naging mosyon ni Senate Minority Leader Tito Sotto na i lay on table ang articles of impeachment .

Aniya, ang mosyon ni Sotto na i-table ang motion to archive ay isasantabi muna ang usapin at nangangahulugan na buhay ang impeachment ngunit lalabag naman ito sa SC.

Kayat hindi na aniya kailangan pang hintayin ang desisyon ng SC sa motion for reconsideration na inihain ng kamara dahil una nang sinabi ng SC na immediately executory ang ruling.