-- Advertisements --

MANILA – Aabot na sa 1,223,627 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Batay sa pinakabagong report ng Department of Health (DOH), nadagdagan ng 7,058 na bagong kaso ang total case tally ngayong araw, May 31.

Ayon sa ahensya, bagamat lahat ng laboratoryo ay nag-operate noong May 28, bigong makapagsumite ng report ang apat sa mga ito.

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.9% sa lahat ng samples na naitest at 1.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” paliwanag ng Health department.

Nasa 53,757 pa ang mga active cases o hindi pa gumagaling mula sa COVID-19.

Ang total recoveries naman ay nasa 1,149,010 na matapos madagdagan ng 6,852 na bagong gumaling.

Habang 139 ang mga naitalang bagong namatay para sa 20,860 total deaths.

“13 duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 are recoveries and 1 is a death.”

“Moreover, 80 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”