Mula sa 501 kaninang umaga, nadagdagan pa ng 51 yung bilang ng mga positive cases ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health. Kaya kung susumahin, 90 ang reported ngayong araw na nag-test positive dito sa pandemic virus.

Nasa 20 naman na ang total recoveries dahil sa dalawang reported na gumaling ngayong araw at yan ay sina PH130 na isang 21-anyos na lalaki mula Davao de Oro, at may travel history sa United Kingdom at Qatar.

Habang isang 76-year old na babaeng taga-Quezon City si PH87 na isa ring nag-recover na nagkaroon ng exposure noon sa isang positive case.

Tumaas din ng dalawa ang death toll natin na ngayon ay 35 na.

Kinilala ang mga namatay na sina PH215, na isang 71-year old na lalaki mula Quezon City. Bukod sa COVID-19, naitala rin daw na cause of death ng kaso ang hypertensive cardiovascular disease at cardiac dysrhythmia.

Samantala, 76-year na lalaki rin ang isa pang binawian ng buhay na si PH239 mula Cavite. Iba’t-ibang komplikasyon din tulad ng heart failure ang sanhi ng kanyang pagkamatay bukod sa coronavirus.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi pa rin nila ikinokonsidera ng DOH ang mass testing kahit marami na ang test kits na hawak ng gobyerno.