-- Advertisements --

MANILA – Matapos ang apat na araw na higit 7,000 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba sa higit 5,000 new cases ang iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Martes, March 23.

Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, aabot sa 5,867 ang kabuuang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Ito na ang ika-12 magkasunod na araw na nag-ulat ang ahensya ng higit 4,000 bagong kaso o tinamaan ng coronavirus.

“9 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 22, 2021.”

Kabuuang 677,653 na ang naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas mula Enero nang nakaraang taon.

Umakyat pa sa 86,200 ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling, na pinakamataas din ngayong 2021.

Mula sa nasabing bilang, 95.4% ang mild cases. 2.3% asymptomatic cases; 0.9% na mga severe at critical cases; at 0.49% na moderate cases.

Batay sa datos ng DOH, 15.4% ang positivity rate o porsyento ng mga nag-positibo mula sa 33,719 na nagpa-test sa COVID-19 kahapon.

Samantala, nadagdagan ng 620 ang total recoveries na nasa 578,461 na.

Habang 20 ang bagong naitalang namatay para sa 12,992 o halos 13,000 total death cases.

“6 duplicates were removed from the total case count. Of these, 1 is a recovery. Moreover, 8 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”