-- Advertisements --
Duterte face mask davao Go

Tulyan nang tinuldukan ng Supreme Court (SC) ang petisyon na humihiling na ilabas ang impormasyon ng tunay na kalagayan ng kalusugan at kaisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte mula nang naging presidente ito noong 2016.

Sa notice na inilabas ng kataas-taasang hukuman, isinapinal na nila ang desisyon nito at wala na ring tatanggapin pang mga mosyon mula sa panig ng petitioner na si Atty. Dino de Leon.

Kung maalala Mayo 8, 2020 nang maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagbabasura sa extremely urgent petition for mandamus ni De Leon.

Ikinatwiran ng mga mahistrado na walang merito ang urgent petition for mandamus ng petitioner.

Bigo rin ang petitioner na mapatunayang dapat siyang panigan ng Korte para pagbigyan ang kanyang petisyon.

Hindi rin umano napatunayan ng petitioner na may obligasyon ang pangulo na ilabas ang kanyang kalagayan at kalusugan.

Abril 13, 2020 nang naghain ng urgent petition for mandamus si De Leon na humihiling sa korte na atasab ang korteng ilabas ng Pangulong Duterte ang kanyang medical records.

Ikinatwiran ng abogado sa kanyang petisyon ang madalas noong pag-absent o pagliban ng pangulo sa pagpupulong at pag-uulat sa telebisyon ng kalagayan ng bansa sa gitna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kabilang na ang pag-uulat sana sa pagpapatupad ng Bayanihan to Heal as One Act na masyado nang na-delay o naantalang pagpapalabas sa telebisyon.