-- Advertisements --

Aabot sa kalahating milyon hangang apat na milyong piso ang maaaring kaharaping penalty sa mga lalabag sa data privacy alinsunod na rin sa kalalagda lang na SIM card registration Act.

Ito ang ibinunyag ni Department of Information and Communications Technology Secretary John Ivan Uy sa gitna ng ginagawang pagbalangkas sa Implementing Rules and Regulations o IRR Ng SIM card registration Act.

Ayon kay Uy, kailangan lang na mai- outline kung ano anong paglabag ang babagsak sa range ng penalty na ipatutupad kaugnay Ng bagong batas na kung saan ay tinitiyak na mapapangalagaan ang data privacy ng mga nagma may-ari ng SIM card.

Binigyang diin niya na nasa responsibilidad ng mga telcos ang pag-iingat ng anumang impormasyon ng kanilang subscribers.

Kaya kung may data leak man aniyang mangyari, sinabi ni Uy na mananagot ang mga telcos.