fake ID duterte
-- Advertisements --

Napasakamay kamakailan ng mga tauhan ng Los Angeles Police Department (LAPD) sa Estados Unidos ang isang pekeng driver’s license na gumagamit ng larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa post ng official Twitter account ng LAPD Rampart station na ipinost noong Marso 10, nakilala raw ng ilan nilang mga tauhan kung sino ang nasa larawan.

“Vice Officers recognized the picture used on a fake ID, to be that of the President of the Philippines,” saad sa tweet.

“Good thing our Officers patrol Historic Filipino Town and are up to speed. Nice try,” dagdag nito.

Sa kasalukuyan, hindi pa naglalabas ng dagdag na pahayag ang LAPD tungkol dito.

-- Advertisement --