-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nakahanda na ang dumptrucks, mga heavy equipment at limang rescue teams na tutugon sa mga emergency cases sa posibleng pagtama ng bagyong Ambo sa Isabela

Kaugnay nito ay naka-red alert status ngayon ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni police Brig. Gen. Jimmy Rivera na siya ring PDRRM Officer na mayroon nang nakahandang 40,000 relief packs na ipapamahagi sa mga maapektuhan ng bagyong Ambo.

Mayroon na rin silang contact sa apat na coastal towns ng Isabela na magbibigay ng updates may kaugnayan sa pagdaan ng bagyong Ambo sa kani-kanilang nasasakupan.

Mayroon na ring dalawang Huey helicopter ang naka-standby sa Tactical Operations Group-2