-- Advertisements --

Pinayagan na ang mga person deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na bumili online sa pamamagitan ng mga laptop na pag-aari ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Director General Gregorio Catapang Jr., may mga laptop ang kawanihan na maaaring gamitin ng person deprived of liberty para makabili online.

Aniya, ang mga laptop ay ang mga ginagamit para sa “E-Dalaw” program nito para sa mga PDL.

Tumugon si Catapang sa panawagan na ipinalabas ni Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-List Rep. Erwin Tulfo upang tingnan ang impormasyon na maaaring mag-order ng mga item online ang mga Bilibid inmates.

Sinabi niya na ang pagpayag sa mga PDL na mag-order online ay bahagi ng Mandela prison reform.

Noong Mayo 2023, ang Pilipinas ay naging isa sa mga miyembrong bansa ng Group of Friends (GoF) ng Mandela Rules na ayon sa United Nations (UN), ay nabuo upang lumikha ng kamalayan at isulong ang practical application ng United Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners.

Sa kabila ng mga online purchase, ang mga PDL ay hindi pinahihintulutang magmay-ari o makakuha ng mga mobile phones.

Tiniyak ni Catapang na ang mga kontrabandong bagay na dinadala sa loob ng mga pasilidad ng kulungan sa pamamagitan ng online o sa pamamagitan ng mga bisita ay maharang sa panahon ng inspeksyon ng kawanihan.