-- Advertisements --
Lalo pang humina ang halaga ng piso ngayong araw sa pagsasara ng trading.
Sa pagbubukas ng kalakalan, naitala ito sa P61.2, at sa mid-day trading ay muling bumaba.
Sa pagtatapos ng kalakalan ngayong araw, umabot na sa P61.567 ang katumbas ng isang US dollar.
Ayon sa mga ulat, ang hindi matatag na merkado ng langis ang pangunahing nakaapekto sa panghihina ng Philippine peso, gayundin sa iba pang Asian currencies.
Marami ang nangangamba na maaari pang bumaba ang halaga nito, dahil kung susuriin ang trend sa mga nakalipas na araw, sunod-sunod na naitatala ang record low na hindi pa naranasan sa mga nakaraang taon.
















