-- Advertisements --

Wala pang nakikitang pangangailangan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na baguhin ang ilang probisyon sa Visiting Forces Agreement sa Amerika at Australia.

Ito’y sa kabila ng tumitinding geopolitical tensions, isa na dito ang patuloy na pagiging agresibo ng China sa disputed islands sa West Philippine Sea.

Sinabi ng Pangulo na kanilang natalakay ni Australian Prime Minister Anthony Albanese ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Australia subalit wala namang dapat i-discuss o pag-usapan tungkol dito.

Giit ng Pangulo na patuloy lamang ang nasabing kasunduan at ang pag-uusap ng dalawang bansa.

Dalawang bansa lamang mayruong VFA ang Pilipinas ito ay ang US at Australia.

Ipinunto ni Pang. Marcos na sa sandaling mayruong mga hindi inaasahang pangyayari at kung may kailangan ng palitan sa kasunduan ay saka lamang ito babaguhin.

Una ng inihayag ng Presidente na sa kabila ng mga napaka delikadong aksiyon ng mga China Coast Guard Vessel laban sa mga barko ng Pilipinas hindi pa rin i-invoke ng Pangulo ang Mutual Defense Treaty sa Estados Unidos.

Hindi naman titigil ang Pilipinas sa paghain ng diplomatice protest laban sa China.