-- Advertisements --

Tapos na ang maliligayang araw ng mga sangkot sa maanomalyang flood control project. Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa press briefing dito sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong marcos na hindi magiging Merry ang Christmas ng mga taong ito dahil talagang hahabulin at  makukulong ang mga ito.

Kabilang sa mga binanggit ng Pangulo na mayroon nang mga  kaso sa Office of the Ombudsman ang ilang DPWH officials tulad nina Henry alcantara, Bryce Hernandez, Jason Mendez, at  mag asawang Discaya. 

Kasama aniya sila sa 37 na mga pangalan na nakitang sangkot sa mga anomalya sa flood control projects.

Kabilang sa iniulat ni Pangulong Marcos ay ang pagkumpiska sa 13 luxury vehicles ng mga Discaya dahil sa irregularities sa documentation ng kanilang imporation.

Kinasuhan na rin ng criminal charges ang sa Ombudsman ang St Timothy COnstruction, wawao buildera at syms construction trading.

Nagsimula na rin ang pagpapalabas ng AMLC ng freeze orders, nasa kabuuang pitong freeze orders ito na nagkakahalaga ng P6.3 billion.

Nasa 37 indibidual kabilang mga kongresista, dating mga DPWH officials at contractors ang isinumite ng ICI sa Ombudsman.

“Palagay ko bago mag – hindi, hindi palagay ko – alam ko, bago mag-Pasko, marami dito sa napangalanan dito ay palagay ko nasa ano na… Matatapos na ‘yung kaso nila, buo na ‘yung kaso. Makukulong na sila. Wala silang Merry Christmas. Before Christmas, makukulong na sila,” pahayag ni Pangulong Marcos.