-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagpapatuloy ng kaniyang administrasyon na bumuo ng mga highly interconnected road network na layong magpapadali sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Pinatitiyak din ng Pangulo sa Department of Transportation (DOTr) na tiyaking matapos ang mga proyekto sa itinakdang panahon ng sa gayon mapakinabangan ito ng publiko.

“So we will not stop here, and we will continue to develop a highly interconnected road network that will facilitate our country’s rapid, inclusive, and sustained economic growth,” Pahayag ni Pang. Marcos.

Malaking bagay sa sandaling makumpleto na ang NLEX Connector 8 kilometer project na nagkakahalaga ng P23 billion.

Ang nasabing proyekto ay magsisimula sa Caloocan hanggang sa vicinity ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta Mesa, Manila.

Pinangunahan ni Pang. Marcos Jr., ang inagurasyon sa unang section, ang 5 kilometer elevated expressway ang Caloocan- España Section.

Magdudulot ito ng malaking ginhawa sa trapiko partikular sa España Boulevard, Abad Santos Avenue, Rizal Avenue at Lacson Avenue at magbibigay ng easier access sa ilang lugar partikular ang university belt.

Ang biyahe mula Caloocan patungong manila ay nasa limang minuto na lamang kumpara sa dati na aabot ng mahigit isang oras.

Malaking tulong din ang nasabing NLEX connector sa nais mag divert ng mga sasakyan mula sa mabigat at congested na mga daanan sa kalakhang Maynila.

Ang NLEX connector project ay lalong magpapalago sa ekonomiya lalo na sa north at south Luzon.

Ongoing na rin sa ngayon ang construction sa second section mula España patungong Sta Mesa.

Sa sandaling maging full operations, layon nito pagsilbihan ang nasa 35,000 sasakyan kada araw na magbibigay ng mabilis na access patungo sa Manila Ports, airports gaya sa NAIA at Clark.

Ayon kay Pangulong Marcos malaki ang maidudulot na kaginhawaan nito lalo at mapapabilis na ang biyahe at maging ang delivery ng mga goods.

“Try very hard, as we all do, to stay within the target time frame – although your success rate in this regard is exemplary – avoid unnecessary delays, and finish the project as scheduled, so that the Filipino people will be able to reap the benefits as soon as possible.

Ultimately, the positive effects of this project will speed up mobility and transactions, and will spur economic productivity of the country,” punto ng Pangulong Marcos Jr.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng Public and Private Partnership lalo na sa mga big ticket projects ng gobyerno.