-- Advertisements --

Muling binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi na magbabago pa ang posisyon ng Pilipinas hinggil sa ICC.

Sinabi ng Pangulo mananatili ang posisyon ng Pilipinas, laban sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa umano’y paglabag sa karapatang pantao ng war on drugs ng nagdaang administrasyon.

Ang pahayag ng Pangulo ay bunsod sa resulta ng OCTA Research survey kung saan lumalabas na 55% ng mga Pilipino ang pabor sa kooperasyon ng pamahalaan sa ICC probe.

Sa isang ambush interview, inihayag ng Pangulo na kahit marami pang mga ebidensiya ang ma-produce ICC, wala pa rin sila hurisdisyon sa Pilipinas.

Ang usapin aniya sa ICC investigation ay usapin ng hurisdiksyon at soberanya, at hindi ng dami ng maku-kolektang ebidensya o anopaman.