Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ang commitment ng gobyerno sa tuloy- tuloy na mga proyektong imprastraktura na gagawin sa ibat- ibang bahagi ng bansa.
Sa inagurasyon ng Samar Pacific Coastal Road project sa Northern Samar, inihayag Ng Punong Ehekutibo na Kasama rito Ang
inclusive inter island connectivity projects na mag- uugnay sa national at local roads.
Kaugnay nitoy hinikayat naman ng Chief Executive ang mga taga DPWH na manatiling matatag sa kanilang misyon sa gitna Ng gagawing tuloy- tuloy na mga infrastructure projects ng pamahalaan.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng determinasyon ay maraming maitatayong proyekto na magpapalakas Ng local industries, pagnenegosyo at mga oportunidad para sa mga tao.
Mas mabuti aniyang abutin pa ang mas malalaki at ambisyosong mga proyekto na maaaring maibigay sa mga Pilipino.