-- Advertisements --

Tinabla ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang mga kondisyon na hinihingi ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy bago siya sumuko.

Ayon kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na walang karapatan si Quiboloy na magbibigay ng kundisyon sa gobyerno gayung siya ang akusado.

Iginiit pa ng punong ehekutibo na ang magagawa lang ng pamahalaan ay magbigay ng malasakit kay Pastor Quibuloy na matagal na rin niyang kilala.

Maliban dito,  ang maipalangako lang anya ni Pangulong Marcos ay magiging patas sa proceedings, subalit sa usapin tungkol sa pakikialam ng Estados Unidos ay malayo pa ito  at aabutin pa ng taon.

Kaya sa tingin ni Pangullng Marcos ay  hindi  dapat na mag alala si Pastor Quiboloy.

Matatandaan na nagtakda si Aquiboloy ng mga kundisyon bago siya sumuko, kabilang dito ang pagbibigay  ng written guaranttee ni Pangulong Marcos , DOJ, NBI at PNP  na hindi manghihimasok ang Amerika sa mga kaso  niya dito sa Pilipinas.

Giit ni Quiboloy kapag nabigo siyang bigyan ng written guarantee ay hindi na siya makikita pa.