Target na isabay sa 2025 midterm election ang plebisito para sa pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
Ito ang inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa isang ambush interview sa Villamor Air Base bago ito lumipad patungong Australia.
Sinabi ng Presidente na praktikal at malaking bagay na pagsamahin ang dalawa dahil hindi na gagastos pa ang gobyerno.
Aniya, napakamahal ang gastos sa pagsasagawa ng plebisito.
Paliwanag ng Presidente kanilang pinag-aaralan ngayon para pagsabayin ang dalawa lalo at may mga legal consequences ito.
Nang tanungin ang Pangulo hinggil sa timetable ng Kamara na target isagawa ang plebisito sa July, sagot ng presidente ay kakausapin nito si Speaker Martin Romualdez.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos na hindi naman ibig sabahin na kapag natapos ng Kamara at Senado ang pagatalakay sa pag-amyenda sa Saligang Batas ay mag plebisito na kaagad, pwede naman aniya maghintay at isabay ito sa local elections.
Kuntento naman ang pangulo sa usad ng Charter Change ng Kamara at Senado.
Sa ngayon kanila ng pinag-uusapan kung anong mekanismo ang gagawin para sa plebisito.
Naniniwala naman ang Pangulo na magkakaroon din ng magandang solusyon ukol dito.