Inungkat ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isyu sa North Korea na sinabayan niya ng panawagan na dapat itong sumunod sa United Nations (UN) security resolutions kasunod ng serye ng pagpapakawala ng ballistic missile tests kamakailan.
Ginawa ng Marcos ang intervention sa ginaganap na 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit Retreat.
Ayon sa pangulo nananawagan sila sa North Korea na sana sundin ang UN Security Council Resolutions at ipagpatuloy ang dialoge at pakikipag-usap sa mga concerned parties na naglalayong magkaroon ng mapayaang rehiyon.
Ipinaabot din ng pangulo ang kanyang pagkabahala na ang mga nuclear weapons ngayon ang siya ng nagiging conventional weapons.
Inihalimbawa pa ng pangulo ang ginawa ng Russia laban sa Ukraine.
Ang ganito aniyang tanawin ay magpapalakas ng loob sa ibang mga bansa na gamitin na rin ang mga nuclear weapons na maaaring magdulot ng wakas sa lahat.
Sa kabilang dako nangangamba rin naman ang Pangulong Marcos sa tension sa pagitan ng China at Taiwan kaya naman ipinaalala ng presidente sa mga ASEAN foreign ministers noong nakalipas na buwan ng Agosto na panatilihin ang maximum restraint at iwasan ang mga probokasyon.