-- Advertisements --

Iginiit ni House Committee on Public Accounts Chair at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na tila may “pagkahilig sa beheading” ang mga Duterte at ilang Diehard Duterte Supporters (DDS), matapos ang sunod-sunod na online at political statements na may ganitong tono.

Pahayag ito ni Ridon kaugnay ng umano’y banta sa kanya sa internet mula sa isang indibidwal online, kung saan sinagot niya rin ito nang diretso at sinabing hindi na dapat ito bigyang-pansin ngunit malinaw pa rin ang seryosong pagbabanta.

Binalikan din ng mambabatas ang naunang pahayag ni Vice President Sara Duterte noong 2024 kung saan sinabi nitong naisip niyang pugutan ng ulo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aniya’y patunay ng “toxic” na tensyon sa pulitika.

Ipinaliwanag din ang pinagmulan ng terminong DDS, na unang tumukoy sa Davao Death Squad at kalauna’y naging tawag sa mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila ng isyu, sinabi ni Ridon na wala siyang planong magsampa ng kaso laban sa nagbanta sa kanya, at mas pinili na lamang na hindi na ito palakihin. ( report by Bombo Jai)