-- Advertisements --

Hindi pinayagan na makaalis sa bansa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez para sumailalim ng medical check-up sa Singapore.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kaniyang inindorso ang reklamo sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para i-freeze ang mga assets ng mambabatas.

Sinabi ni Remulla na hinihintay lamang nila ang paghain ng freeze order ng AMLC laban kay Romualdez.

Kinumpirma din ni Remulla na hindi niya pinayagan si Romualdez na bumiyahe sa ibang bansa.

Magugunitang idinadawit si Romualdez sa mga anomalya sa iba’t-ibang flood control projects sa bansa.