-- Advertisements --

Nagbabala si Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa mga smugglers at hoarders na bilang na ang kanilang mga araw.

Sa talumpati ng Pangulo sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) kaniyang siniguro na mananagot ang mga sangkot sa smuggling ng mga agricultural products at hoarding.

Ayon sa Pangulo, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang mga smuggler, hoarder at mga nagmamanipula ng presyo ng mga produktong agrikultural.

Sabi ng chief executive hahabulin ang mg ito at sasampahan ng kaso.

” Sadyang hindi tama ang kanilang gawain, at hindi rin ito tugma sa ating magandang layunin. Pandaraya ang kanilang ginagawa,” pahayag ng Pang. Marcos.

Binigyang-diin ng Pangulo na sa ginagawa ng mga smuggler at hoarder napapahamak ang mga magsasaka at maging ang mga mamimili.

” Hindi natin papayagan ang ganitong kalakaran. Bilang na ang mga araw ng mga smugglers at hoarders na ‘yan,” sabi ng Pang.Marcos.