-- Advertisements --

Pinapa-alerto ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang iba’t-ibang rehiyon sa bansa dahil sa mga pag-ulang dala ng masamang lagay ng panahon.

Umiiral pa rin kasi hanggang sa ngayon ang Southwest Monsoon o habagat at Bagyong Huaning.

Dahil sa naturang sama ng panahon ay aasahan ang mga pag-ulan sa bansa ngayong linggo.

Nagbabala ang Office of Civil Defense sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, NCR, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Negros Island, Eastern, Central, at Western Visayas dahil sa Bagyong Huaning.

Ayon sa state weather bureau , possible ang mga pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga high-risk area dahil sa mga pag-ulan.