Pinuri ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang magkabilang Kapulungan ng Kongreso sa pagkakaroon ng isang pinagkasunduan para sa pagtulak na amyendahan ang mga probisyon sa ekonomiya ng Konstitusyon.
Sa panayam kay Pang. Marcos kaniyang sinabi kuntento siya sa nagpapatuloy na pagdinig sa Senado habang sa Kamara aprubado na ang RBH No. 7 sa ikalawang pagbasa.
Giit ng Presidente ang mahalaga ngayon ay nagkaroon ng consensus.
Muling binigyang diin ng Pang. Marcos na ang mga existing economic provisions ay humahadlang sa mga potensiyal na investors na nais mamuhunansa bansa.
Siniguro naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nasa tamang landas ang Senado sa pagtalakay sa RBH No. 6 na may natitira pang tatlong pagdinig.
Sinabi ni Zubiri na kanila ngayon kinukumbinsi ang kaniyang mga kasamahan at pagkatapos ay kanilang isasalang sa deliberasyon.
Sa panig naman ni Speaker Martin Romualdez na naubos na nila ang malaking oras sa pag-deliberate sa Resolution of Both Houses No. 7 (RBH 7) at sinabing hahayaan niyang tumutok ang mga talakayan sa economic provision ng Saligang batas.
Target naman ng Kamara na ipasa ang RBH No 7 sa ikatlong pagbasa sa susunod na linggo bago ang holy week break.