Pinatitigil ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang umano’y bayaran sa pangangalap ng pirma para sa Peoples Initiative na layong amyendahan ang 1987 Constitution.
Sa panayam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr kaniyang inihayag na sakaling mayruong ganuong isyu na bayaran hindi ito tatanggapin ng Commission on Election.
Gayunpaman sinabi ng Pangulo na wala siyang natatanggap na ulat ukol sa bayaran kapalit ng pirma bagkus may mga nakarating sa kaniya na may mga ibinigay na pangako kapalit ng ibat ibang serbisyo.
Inihayag ng Pangulo na kaniya sanang pinapatigil ang pagbibigay ng serbisyo ng DSWD sa publiko ngunit kaniyang napagtanto na hindi pwedeng itigil dahil marami ang nangangailangan.
Kaya ipinauubaya na ni Pang. Marcos sa Comelec ang pag validate sa nasabing ulat.
Kapag napatunayan na maý suhulan na nangyari hindi ito tatanggapin ng poll body.