-- Advertisements --

Pinasisiguro ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na nakakarating ang tulong ng gobyerno sa mga kababayan natin sa Surigao del Sur at Surigao del Norte na apektado ng malawakang pagbaha.

Sa situational briefing na pinangunahan ng Presidente sa Surigao del Sur ngayong araw, kaniyang binigyang-diin na tutukan ang pangangailangan ng ating mga kababayan partikular na may sapat na tubig, pagkain, gamot at iba pang pangangailangan.

Tiniyak din ng Pang. Marcos na may mga hakbang ng ginagawa ang pamahalaan sa mga kababayan natin duon sa Caraga region.

Pinakikilos din nito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na ayusin na ang mga nasirang mga infrastructures sa rehiyon at magsagawa ng structural assessment partikular duon sa eartquake-striken PAGASA building.

Inatasan din ng Pangulo si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu na tulungan ang mga magsasaka sa rehiyon na lubhang nasira ang kanilang mga pananim dahil sa malawakang pagbaha.

Inihayag naman ni Health Secretary Ted Herbosa na namahagi na rin sila ng mga gamot partikular duon para maiwasan na magkaroon ng outbreak sa waterborne diseases.

Nakatanggap naman ng pinansiyal na tulong mula sa Pangulo ang mga local government units sa Surigao del Sur at Norte.

Namahagi din ng tulong ang Pangulo sa mga magsasaka sa Prosperidad, Agusan del Sur.

Binigyan din ng briefing si Pang Marcos hinggil sa construction progress ng Agusan del Sur State of the Art Soils Laboratory.

Ang nasabing laboratoryo ay may lawak na 1,687 square meters na mayruong advanced analytical capabilities at ang nasabing inisyatibo ay mayruong investment na P540 million.