-- Advertisements --

PBBM, pinapaaral na sa DOTr ang Isinusulong na pag-adopt sa PUV insurance system para sa pribadong sasakyan

Inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Transportation Secretary Vince Dizon na aralin ang isinusulong na PUV insurance system para sa mga pribadong sasakyan.

Pahayag ito ni Communications Usec Claire Castro kasunod ng panawagan sa Malacañan na i-adopt ang sistemang ito, kasunod ng mga naitalang insidente ng banggaan o pagbangga ng mga sasakyan na kumitil ng mga buhay.

Sinabi ng opisyal na para rin ito sa karagdagang proteksyon sa lahat ng maaaring mabiktima ng kapabayaan sa kalsada.

Gayunpaman, nilinaw ng opisyal na pagaaralan pa itong mabuti upang matukoy kung ito ba ay narapat o napapanahon.

Sa kasalukuyang PUV Insurance Policy sa ilalim ng Passenger Personal Accident Insurance (PPAI), ang bus at iba pang PUV passenger ay entitled sa hindi lalampas sa PhP400, 000 para sa bawat nasawi sa road crash at PhP100, 000 sa bawat injury.

Para naman sa mga pasahero ng private motor vehicle, entitled lamang sila sa maximum na PhP200, 000, na paghahatian pa ng mga biktima.