-- Advertisements --

Pinalawig ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang termino ni PNP Chief Gen.Benjamin Acorda hanggang March 31,2024.

Ito’y matapos sinabi ng Chief Executive na kuntento siya sa naging performance ni Acorda na pamunuan ang pambansang pulisya simula ng kaniyang appointment nuong buwan ng Abril ng kasalukuyang taon.

“I wish to inform you that, pursuant to the provisions of existing laws, your service as Chief (Police General), Philippine National Police, is hereby extended until 31 March 2024,” sulat ng Pangulo na kaniyang nilagdaan na naka adress kay Acorda.

Naibatid na rin kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abajos Jr. ang desisyon ng Pangulo ukol sa extension ni Acorda.

Ang transmittal letter ay ipinadala sa DILG nuong December 1,2023 at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ang PNP kasi ay attached agency ng DILG.

Sa extention ni Acorda sa serbisyo, binanggit ng Office of the President ang Executive Order No. 136, series of 1999, na kumikilala sa kapangyarihan ng Presidente na aprubahan ang extension of service ng sinumang presidential appointees lampas sa compusary age of retirement.

Ayon sa Pangulo, kapuri puri ang ginawa ni Acorda na pamunuan ang PNP na nakatutok sa agenda na mas epektibong police force gaya ng Personnel Morale and Welfare, Community Engagement, Integrity Enhancement, ICT Development and Honest Law Enforcement Operations.

Itinalaga ni Pang. Marcos si Acorda bilang ika 29th PNP chief nuong April 24,2023.

Si Acorda ay magreretiro na sana nuong December 3,2023 bilang kaniyang compulsary retirement.

Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991.