-- Advertisements --
image 88

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang New agrarian Emancipation Act.

Buburahin ng RA No. 11953 ang lahat ng hindi nabayarang amortisasyon ng principal na utang kabilang ang interes at mga multa ng ARB.

Maibabalik din sa mga orihinal na beneficiaries ang mga awarded lands sa kanila na na-forfeit dahil sa kabiguan na makapagbayad.

Batay sa datos ng DAR nasa 610, 054 agrarian reform beneficiaries ang makikinabang sa condonation.

Nasa kabuuang P57.56 bilyon ang hindi pa nababayarang mga prinsipal na utang.
Tatanggalin din ng kondonasyon ang mga mortgage lien sa mga iginawad na lupain at ang mga ARBs ay hindi na rin pagbabayarin ng Estate Tax.

Habang ang mga ARB na nakabayad na ng buo ng kanilang utang bago ang condonation ay bibigyan ng prayoridad sa mga pasilidad na pautang at suportang serbisyo sa mga magsasaka.

Sa kabilang dako, tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat para matulungan ang mga ARBs na maka ahon sa kahirapan.

Itutuloy nito ang repormang agraryo—hindi lamang sa pamimigay ng lupa sa mga magsasaka kundi upang tuluyan na sila’y palayain mula sa pagkakautang na pumipigil sa kanilang ganap na pagmamay-ari sa lupang bigay sa kanila ng pamahalaan.

Nilinaw naman ni DAR Sec Conrado Estrella na hindi maaaring ibenta ng mga beneficiaries ang lupa na ibinigay ng gobyerno.