Nasaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Joint Task Force Maritime Strike ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng Balikatan Exercise 41-2026 na isinagawa sa Camp Aguinaldo.
Ayon sa Presidential Communications Office, ipinakita sa drill ang pinagsamang maritime strike operations ng allied forces, bilang bahagi ng pagpapalakas ng koordinasyon ng militar ng dalawang bansa.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines na makipag-ugnayan sa mga international partners para sa regional security at freedom of navigation.
Kasabay nito, binigyang-diin din ang kahalagahan ng Balikatan 2026 dahil ginugunita ng Pilipinas at US ang ika-75 anibersaryo ng Mutual Defense Treaty ng dalawang bansa. (report by Bombo Jai)















