Aminado si Pang. Ferdinand Marcos Jr na siya ay nalilito sa papalit-palit na pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Itgo ay matapos muling banatan ni Duetret ang isinusulong na charter change sa gagamitin umano para mapalawig ang termino ng mga nakaupong opisyal ng gobyerno.
Sa media interview ng Pangulo sa Germany, inihayag nito na hindi niya naiintindihan si Duterte dahil sa paiba-iba nitong pahayag.
Gayunpaman, sinabi ng Pangulong Marcos na pag-aaralan niya muna ang komento ng dating pangulo.
Magugunita na una nang sinabi ni Duterte na suportado nito ang isinusulong na Charter Change lalo kung ito ay nakatuon sa pag amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
Kabilang ang pagpapalawig sa termino ng Pangulo basta hindi makikinabang ang mga kasalukuyang opisyal na naka upo sa pwesto.