-- Advertisements --
Ipinaabot ng Pilipinas ang pinakamalalim nitong pakikiramay sa mga nawalan ng kapamilya at mga mahal sa buhay sa ginawang mga pag-atake ng Hamas militants nitong Sabado sa bansang Israel.
Kinondena din ng Pilipinas ang mga pag-atake, lalo na laban sa mga komunidad at sibilyan.
Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nitong nauunawaan ng Pilipinas ang ang right of states to self-defense sa kabila ng panlabas na pagsalakay na kinikilala sa Charter ng United Nations.
Nagpahayag na rin ng suporta at tulong ang ibang mga malalaking bansa gaya ng Amerika, France at iba pa.
Sa ngayon nagsasagawa na ng retaliatory attacks ang Israeli forces laban sa Hamas militant.