Nagdeklara si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga special non-working day sa tatlong lokalidad bilang paggunita sa kanilang mga anibersaryo at espesyal na araw.
Sa ilalim ng mga Proclamation No. 1289, 1290, at 1291, idineklarang espesyal na non-working day ang Hunyo 15 sa Bontoc, Southern Leyte para sa Founding Anniversary nito; Hunyo 22 sa Malapatan, Sarangani bilang pagdiriwang ng ika-57 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan; at Hunyo 24 sa Balayan, Batangas para sa taunang “Parada ng Lechon.”
Ayon sa Malacañang, layunin ng mga proklamasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na lubos na makilahok at magdiwang sa mga nasabing okasyon. Nilagdaan ang mga kautusan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto noong Hunyo 4 sa bisa ng awtoridad ng Pangulo.
















