-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Information Communication Technology (DICT)na palawakin  ang internet connections sa ibat ibang panig ng bansa

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa ginawang pagbisita sa Epifanio Delos Santo Elementary School sa lunsod ng Maynila, dismayado ang pangulo na 60% lamang ang may eskwelahang may internet connection, napakababa aniya nito para makatugon sa pangangailangan sa pagtuturo ng mga guro.

Kaakibat kasi aniya ng kawalan ng internet connection ay ang problema sa suplay ng kuryente lalo na sa tinatawag na gida o geographically isolated and disadvantaged areas sa bansa.

Samantala, inatasan din ng Pangulo ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Transportation na  gawin ang lahat para mabawasan ang gastusin ng mga magulang at mga estudyante.

Maging ang Department of Health (DOH) ay inatasan na niyang maglagay ng pasilidad at mga tauhan na mapupuntahan para gumamot sakaling magkasakit ang mga bata o magkaroon ng injury habang nasa eskwelahan.

Maging ang DSWD aniya ay may bilin na siya na tutukan ang mga insidente ng cyber  bullying, upang matugunan ang mental health ng mga bata.

Ilulunsad din aniya DSWD at DepEd ngang mas malawak na feeding program sa mas maraming pampublikong paaralan sa  susunod na buwan.