Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang malaking kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan, kasabay sa paggunita ng International Women’s Day ngayong araw, March 8,2024.
Nanawagan din ang Pangulo na tuldukan na ang gender-based violence, diskriminasyon at biases.
Sa mensahe ng Pangulo, kaniyang inihayag na nananatili pa rin ang diskriminasyon ang hindi patas at pagtrato sa mga kababaihan.
Hinikayat naman ng Pangulo ang publiko na makipag tulungansa pagtataguyod ng inklusibong lipunan.
Ipinunto ni Pang. Marcos na sa pamamagitan ng pagpapalakas sa boses ng mga kababaihan, pagtatanggol sa kanilang karapatan at pagsusulong sa kanilang kalayaan maiangat ang buong komunida at ang buong bansa tungo sa isang mas matatag at mas progresibong mundo.
“In an age marked by rapid growth and transformation, it is imperative for the global community to honor the incalculable worth of women’s contributions across all facets of society and sustain the gains that have emerged from their countless struggles and sacrifices. Yet, within our relentless pursuit of progress, we must confront the inequalities and disparities that still persist. By ending gender-based violence, discrimination, and biases that cast shadows over the realization of women’s dreams, we actively engage in a mission that nurtures equity, inclusion, and empowerment,” mensahe ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.