Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang economic team na tugunan ang red tape sa pamahalaan.
Sinabi ng Pangulo na imbes na red tape, dapat na bigyan ng red carpet ang mga nais mamuhunan sa bansa maging foreign o local investors ang mga ito.
Inihayag ng Presidente na magiging trabaho din ng economic team ang palakasin ang incentives para sa mga negosyante partikular ang pagtataguyod sa ease of doing business.
Ipinunto ng chief executive na hindi tama na pahirapan ang mga negosyante sa paraang patawan ang mga ito ng mabibigat na pagbabayad ng buwis.
Tinukoy din ng Pangulo ang paglikha ng maraming trabaho,pagpapalago ng ekonomiya, pagpapataas ng kita at mang engganyo ng investors at iba pa.
Kaninang umaga pinangunahan ng Pangulo ang inagurasyon ng petrochemical manufacturing sa Batangas.