Hiniling ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Kamara at Senado na bumuo ng solusyon sa harap ng bangayan ng dalawang Kongreso kaugnay sa isinusulong na Charter Change.
Ayon sa Presidente, gumagawa na rin ng hakbang ang pamahalaan at nakikipag ugnayan na rin sa mga legal luminaries upang maghanap ng solusyon.
Inihayag ng Presidente na posible ang pinagtatalunan ng Kamara at Senado ay kung magiging joint o separate ang pagboto kaugnay sa Cha Cha.
Dahil dito hinimok ng Pang. Marcos ang dalawang lider ng kapulungan kasama ang mga experto na bumuo ng mas simpleng solusyon na hindi lilikha ng malaking isyu o kontrobersiya.
Magugunita na lumagda ang 24 senador sa manifesto na mariing tumututol sa peoples initiative.
Sa kabilang dako ang Kamara, hinamon ang senado na ipasa na ang RBH 6 at dalawang kamay ito tatanggapin ng Kamara at agad pagtibayin.
Para sa Kamara patay na ang isyu ng PI matapos pinatitigil ito ng Comelec.