Umalis na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. patungong Indonesia ngayong umaga ng Linggo para sa kanyang unang paglalakbay sa ibang bansa.
Ito ang kaniyang unang foreign trip matapos maupo bilang Pangulo ng bansa.
Bukod sa gagawing state visit, inaasahang makikipagkita ang Pangulo sa Filipino community sa kanyang pagdating sa kabisera ng Indonesia mamayang hapon.
Ang pagbisita ni Pang. Marcos sa Indonesia, magsisimula ngayong araw September 4 hanggang 6, ay imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo.
Sa pagkikita ng dalawang heads of state, inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang active and multifaceted cooperation in defense, maritime border security, economic development, at people-to-people exchanges.
Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), masasaksihan din nina Marcos at Widodo ang paglagda ng ilang mahahalagang kasunduan sa larangan ng depensa at kultura at ang komprehensibong plano ng aksyon, na magtatala ng mga bilateral na prayoridad ng dalawang bansa sa susunod na limang taon.
Inaasahang ihaharap din ni Marcos ang kaso ni Mary Jane Veloso sa mga opisyal ng Indonesia.
Ayon sa DFA, habang hinimok ng pamilya Veloso ang Pangulo na umapela para sa executive clemency.
Kabilang sa delegasyon ni Pang. Marcos sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, and Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.
“My state visits to our ASEAN neighbors will seek to harness the potential of our vibrant trade and investment relations. As such, an economic briefing, business forums, and meetings have been organized to proactively create and attract more investments and buyers for our exports in order to accelerate the post-pandemic growth of our economy,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.