Nagpulong sina Pangulong Ferdinand R. Marcos at European Commission President Ursula von der Leyen sa isang bilateral meeting sa Malakanyang.
Kasalukuyang nasa bansa ang European Commission President para sa isang official visit.
Kapwa pinagtibay nina Pangulong Marcos at von der Leyen ang pagpapalakas ng EU-Philippines bilateral relations gayundin ang mutual interest sa pagitan ng Pilipinas at ng EU.
Partikular ang usapin sa trade, green and digital transition gayundin ang patungkol sa seguridad at Global Gateway Strategy.
Ang Global Gateway Strategy ay mga pamamaraan para tugunan ang ilang mga hamon na kinakaharap ng buong Mundo gaya ng climate change, pagpapalakas sa health systems gayundin sa competitiveness at security Ng global supply chains.
Si von der Leyen ang kauna – unahang European Commission President na nag – official visit sa Pilipinas sa loob ng halos anim na dekada ng diplomatic relations.
Tinunghayan din nina pang. Marcos at Her Excellency Ursula von der Leyen, ang paglagda sa bilateral agreement on the Joint Declaration on the Green Economy Program sa pagitan ng Pilipinas at European Union (EU).
Ang nasabing seremonya ay ginanap sa President’s Hall sa Malacañan Palace ngayong araw July 31, 2023.
Ang signatories sa nasabing bilateral agreement ay sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga at Ambassador of the European Union (EU) to the Philippines Luc Veron.
Nakatakda din makipagpulong si President von der Leyen kina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri.
















