-- Advertisements --
Dinapuan ng flu-like symptoms si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Araneta Marcos.
Ayon sa Presidential Communications Office na kasalukuyan na silang umiinom ng gamot at stable naman ang kanilang mga vitals.
Pinayuhan din sila ng kanilang mga doctors na magpahinga.
Dagdag naman ni PCO chief Secretary Cheloy Garafil na ang mga appointments ng Pangulo sa mga susunod na araw ay kinansela na.
Ilan sa mga dito ay ang presidential luncheon ng Foreign Correspondents Association of the Philippines sa araw ng Huwebes.