Nakahanda ang apat na natitirang koponan ng PBA para makuha ang bakanteng puwesto sa PBA Philippine Cup.
Ito ay matapos na mabigo ang San Miguel Beermen na depensahan ang kanilang trono ng talunin sila ng Meralco Bolts.
Magsisimula ngayong araw ang best-of-five PBA semifinals kung saan sa unang laro ay makakaharap ng Tropang GIGA ang Phoenix Fuel Masters habang sa ikalawang laro ay makakasagupa ng Barangay Ginebra ang Meralco Bolts.
Itinuturing na “renewal” ng kanilang “rivalry” ang harapan ng Ginebra at Bolts kung saan tatlong beses na silang nagtuos sa finals.
Sa nasabing kompetisyon nagwagi ang Gins pero hindi nagpapakampante si Gins coach Tim Cone dahil sa kakaibang lakas daw na ng Bolts matapos na talunin ang defending champion na Beermen.