Magbibigay ang Philippine Basketball Association (PBA) ng P1 million na donasyon sa mga biktima ng Taal Volcano eruption

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na hindi na nagdalawang isip pa ang 12 team governor ng ng liga at lahat ng mga opisyal para tulungan ang mga survivors.

Bukod aniya sa pera ay magbibigay din sila ng ilang daang pares ng tsinelas para sa mga biktima.

Ibibigay ang tseke sa staff member ni Batangas Governor Herminildo Mandanas bago ang pagsisimula ng Game 5 sa pagitang ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts sa Biyernes.