-- Advertisements --

Wala pa ring papayagang mga audience na manonood sa pagbubukas ng Governors Cup ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Disyembre 8.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na patuloy ang kanilang ginagawang pakikipag-usap sa mga local government unit kung puwede ng payagan ang mga live audience.

Gagawin kasi ang dalawang laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig City at hindi pa tiyak kung puwede na ang mga live audiences.

Bukod kasi sa Ynares Sports Arena ay kanilang plano na ganapin ang mga laro sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, Mall of Asia Arena sa Pasay City, FilOil Flying V Arena sa San Juan at Ynares Sports Cneter sa Antipolo City.