-- Advertisements --
Umakyat na sa 52 ang nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu.
Sinabi ni Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na mayroong dalawa pang nasawi na sundalo habang sila ay nasa ospital.
Sa kabuuan ay mayroong 49 na sundalo ang nasawi at tatlo naman ang sibilyan na nadamay.
Mayroon namang 51 ang nasugatan kung saan 47 dito ay mga sundalo at apat ang sibilyan.
Magugunitang 96 na mga sundalo ang Philippine Air Force (PAF) C-130 na eroplano habang papalapag na sana sa paliparan sa Sulu.
















