Umakyat na sa 24,095 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

Nangunguna ang Italy na may 8,215 nasawi, pangalawa ang Spain na may 4,365, habang pangatlo ang China na mayroong 3,292 fatalities.

Sa record naman ng mga infected, umaabot na ito sa 532,936.

Ang 364,798 (95%) ay nasa mild condition, habang ang 19,656 (5%) ay nasa serious o critical condition.

Naka-recover naman ang 124,387 pasyente, matapos ang gamutan at quarantine procedure.