coronavirus 1
Coronavirus

Muli na namang nadagdagan ang death toll sa dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa iba’t ibang panig ng mundo na ngayon ay nasa 3,831 na.

Pinakamarami sa mga bagong binawian ng buhay sa nakalipas na 24 oras ay nagmula sa Italy kung saan nalagpasan pa ang mainland China.

Mula naman kaninang umaga hanggang tanghali nasa 26 pa ang nadagdag sa death toll.

Lalo namang lomobo pa sa 110,090 ang kabuuang bilang ng mga infected ng virus sa buong mundo hanggang nitong araw magmula noong buwan ng Disyembre.

Nasa 37,981 o 86 percent sa mga nahawaa ay nasa mild condition, habang 5,977 o 14 percent naman ang serious o nasa critical condition.

Samantala, mayroong naka-recover na aabot na sa 62,301 matapos sumailalim sa gamutan at quarantine procedures.