Pumalo na sa 33,965 ang bilang ng mga namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Pinakamarami rito ay mula sa Italya na may 10,779, pangalawa ang Spain na may 6,803 at pangatlo ang China na mayroong 3,300 .

Ang bilang naman ng mga infected ay lumobo sa 721,902, kung saan 509,854 (95%) ay nasa mild condition habang ang 26,789 (5%) ay serious o critical condition.

Samantala, naka-recover naman ang 151,294, matapos ang gamutan at quarantine procedure.