-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tiniyak ng local government unit ng Pandan, Antique na walang dapat pangambahan ang kanilang mga residente matapos namatay ang isang senior citizen sa kanilang bayan dahil sa COVID-19 Delta variant.

Ang namatay ay 78 anyos na misis at nakarecover naman ang 79 anyos na mister na nagpositibo rin sa Delta variant.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Pandan, Antique Mayor Plaridel Sanchez VI, sinabi nito na na-admit sa ospital sa Pandan, Antique ang misis at binawian ng buhay.

Sa isinagawang contracing, nagpositibo rin ang kanyang anak na lalaki at kasambahay na sa ngayon ay fully recovered na.

Napag-alaman na walang travel history ang mag-asawa dahil pawang senior citizens ang mga ito.