-- Advertisements --

Pumalo na sa 77 ang bilang ng nasawi sa nasunog na barkong M/V June Aster sa Coron,Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) na tuluyang pumanaw ang isang crew member matapos ang ilang araw na pananatili sa pagamutan.

Hindi na umano nakayanan ng biktima ang mga tinamong sugat mula sa nasunog na ferry.

Umabot na rin sa 44 ang bilang ng mga survivors matapos na lumitaw na rin ang kapitan ng MV June Aster.

Dagdag pa ng PCG na mayroon na lamang walong katao ang naiulat na nawawala.

Sa unang datos kasi nila ay mayroong 12 ang nawawala subalit sa kanilang ginawang berepekasyon ay hindi nakasakay sa barko ang apat na pasahero.

Aabot naman sa 44 ang nakaligtas sa nasabing pagkasunog ng barko na nangyari noong Setyembre 9.