-- Advertisements --
Ibinunyag ngayon ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na tinamaan sa US airsrtike ang pasukan patungong tunnels ng Isfahan nuclear complex sa Iran.
Ayon sa grupo na labis na nagtamo ng pinsala ang pasukan sa underground tunnels ng nuclear sites.
Dagdag pa nila na bago ang pag-atake rin ng Israel sa nuclear facilities ng Iran noong Hunyo 13 ay itinago na ng Iran ang kanilang uranium sa underground ng Isfahan.
Iniulat din ng health ministry ng Iran na wala silang naitalang radioactive contamination mula sa nuclear facility na inatake ng US.